Sunday, April 08, 2012

Moods & Food Cravings

Actually, kahit nung hindi ko pa alam na buntis na pala ako, sobrang sungit ko na. Kahit mga nagsesend sa fax machine sa tabi ko, sinusungitan ko. Lahat ng maamoy ko, feeling ko mabaho. Makasabay ko man siya sa elevator o kahit sa bus. Kahit si Janriy madalas nasusungitan ko, nagtatampo pag hindi napagbigyan.

I have experienced the morning sickness for only a week during my 2nd month. Mostly, pagkain ang napapagdiskitahan ko. Ewan ko ba, hindi ko rin maexplain kung paanong pumapasok sa isip ko yung mga pagkain na hinihiling ko. Ang hirap nga lang kasi nasa Pinas lahat ng food na gusto kong lantakan :)

First, palabok! Thanks to Mary Grace Bolina for giving me one!
Second, Flat tops chocolate! Thanks to my mom for sending me some packs! Until now, ayaw ko pa siyang ubusin, hihi!
Third, for more than two weeks, super takam ako sa Jollibee! 
I was craving for Chicken Joy, Choco Fudge Sundae, Yum Burger and Jolly Hotdog! Thanks to Mommy Mariz for sending me a Yum Burger (which I took on my breakfast) and Chicken Joy for my lunch! 
Kaya lang, ewan ko ba gusto ko sana yung nakalagay pa sa styrofoam na may print na Jollibee mascot! Hahaha! Pero iba pa rin talaga ang chicken sa Pinas compare here! Mas malasa at masarap, kaya lang hindi na pinadala ang gravy kasi baka mapanis. Sayang! Ang layo naman kasi ng Dubai from Baniyas kung magtravel pa kami para sa Jollibee. As much as possible, gusto ko lang puro pahinga sa bahay.

Fourth, Paksiw na Bangus! Of course, ako ang nagluto. Gusto ko kasing maamoy yung suka habang naluluto siya. Mmmmmmmm! Yummy!
Now, I am craving for baboy. Any dish like pritong baboy or adobong baboy (but I doubt kung mailuto ko yun kasi Daddy Ross & Janriy hates that!) Buti na lang today [08.04.2012], nakatikim ako ng chicharon at bagoong with porky! Nasatisfy din kahit papaano yung cravings ko sa porky!

Next is monggo = anti manas! 

No comments:

Post a Comment